KAPABAYAAN
Ni Misaki Mukaijo
Photo source |
O, Inang Kalikasasan
Patawarin ang aming kapabayaaan
Pagsira sa iyo ay aming kasalanan
Sa aming puso, naghari ay kasakiman
Magagandang tanawin ay iyong taglay
Pagkain at hilaw na materyales ay binibigay
Ika’y dapat pasalamatan sa biyayang alay
Ngunit sa pang-aabuso kami ay nasanay
Sa pagninilay-nilay ay aking napagtanto
Kapabayaan sa iyo ay saan hahantong
Pagwasak sa iyo ay dapat nang ihinto
Mga mamamayan ay dapat din matuto
Bagyo, lindol, pagguho ng
lupa, at iba pa
Ilan sa kalamidad na aming naranasan na
Sa mga kasalanang kami ang may pakana
Iyong paghihiganti ay ito na ba?
Kung hindi sisimulan ngayon ang pag-aaruga sa iyo,
Susunod na henerasyon may aakyatin pa bang puno?
O ang kalikasan ay tuluyan ng guguho
Kahit na lahat pa ay uimyak pa ng dugo?
09/30/18, 1:00 pm
Comments